Journey from Silence to Sound

Journey from Silence to Sound

"Si Kiarra Rhoze Dio, isang 13-taong gulang na may profound hearing loss sa parehong tainga. Noong una, inakala namin na hindi na siya makakapagsalita o makakarinig mula noong siya'y bata pa. Ngunit sa tulong ng Panginoon at sa mga taong nagmalasakit sa amin, hindi kami nawalan ng pag-asa na magiging maayos ang kanyang pandinig at kakayahang magsalita.

Si Kiarra ay nagkaroon ng second-hand na hearing aid, ngunit hindi ito angkop para sa kanya. Kaya't kami ay naghanap ng hearing center na may makabagong teknolohiya at natagpuan namin ang EasyHear Philippines dahil sa kanilang tulong, si Kiarra ay nagkaroon ng tamang hearing aid at ngayon ay mas maayos na siyang nakakarinig.

Ngayon, mas maayos at mas malinaw na niyang naririnig ang mga bagay na dati'y hirap siyang marinig at nakakasagot na siya tuwing kakausapin. Kami'y lubos na nagpapasalamat sa staff ng EasyHear Philippines na napakabait at sa kanilang maayos na pag-aasikaso sa amin. Maraming salamat sa EasyHear Philippines sa pagbibigay ng angkop na hearing aid para kay Kiarra."